Frequently Asked Questions

Kung may katanungan sa anumang serbisyo ng VILLARICA, maaaring i-check ang FAQs for quick answers.

May gusto ka bang malaman?

I-type sa ibaba ang inyong tanong

Sangla

Anong mga requirements sa pagsangla?

Bukod sa item na isasangla, dapat merong valid ID. Siguruhin ding nasa wastong gulang na, edad 18 pataas.

Sangla

Pwede po bang isangla ang item kahit may damage?

Ang pagtanggap po ng item para sa sangla ay depende sa liit o laki ng damage ng item. Pakidala na lamang po sa pinakamalapit na branch para po masuri ng aming staff.

Sangla

Pwede po bang partial payment?

Pwedeng-pwede po ang partial payment! Maaari po ninyong hulugan ang principal ng inyong sangla.

Sangla

Pwede po bang ilipat sa ibang pangalan ang sangla?

Pwede po! Kailangan lang pong pirmahan ng nagsangla ang authorization box sa likod ng pawn ticket o gumawa ng authorization letter na may pirma ng nagsangla.

Sangla

Anong gadgets po ang tinatanggap sa VILLARICA?

Kami po ay tumatanggap ng laptops, smartphones, at tablets bilang collateral, depende sa kondisyon. Dalhin na lang po sa branch para ipasuri sa aming teller.

Sangla

Ano po ang gagawin kapag nawala ang pawn ticket?

Puntahan po muli ang branch kung saan kayo nagsangla at i-report ang nawawalang pawn ticket at ipakita ang inyong valid ID para magawan kayo ng Affidavit of Loss. Ito po ay required para makapag-request ng panibagong pawn ticket.

Sangla

Maaari bang tubusin ng ibang tao ang item na nakasangla sa pangalan ko?

Pwede lang po i-claim ng representative kung may dala siyang authorization letter na may pirma ng pawner. Kailangan din pong magpakita ng valid IDs ng pawner at ng representative.

Sangla

Kung lampas na po sa due date ang alahas na isinangla, maaari pa po ba itong tubusin?

Mula sa expiration date, may 30 days pa po na palugit bago maremata ang alahas. Pumunta lang po sa branch kung saan nagsangla para mag-renew o magtubos.

Sangla

Pwede bang itransfer sa pangalan ng iba ang sangla?

Pwede! Pirmahan lang ang likod ng pawn ticket o maghanda ng authorization letter na nagsasaad kung kanino ililipat ang sangla. Lakipan ng valid ID ang letter.

Sangla

Gaano kalaki ang interes na ipinapataw ng VILLARICA sa sangla?

Interest can be as low as 3% kung sakto lang sa pangangailangan ang tatanggaping halaga. Pero kung sasagarin ang tatanggaping halaga, makipag-usap sa teller para malaman ang eksaktong interes para dito.

Sangla

Naisasangla pa ba ang sirang alahas?

Naisasangla pa! Susuriin pa rin ito ng mag-a-appraise at bibigyan ng karampatang halaga.

Cash Padala

Ano ang requirements para mag-receive ng Cash Padala?

Una, dapat 18 years old and above ang tatanggap. Kailangan din ng valid ID ng receiver, at reference number mula sa sender.

Cash Padala

Pwede bang itrack ang pinadalang remittance?

Real-time at instant ang VILLARICA Cash Padala, local man o international, kaya hindi na kailangang i-track. Marapat na lamang na mag-coordinate ang sender at receiver para sa reference number ng transaksyon. Kung sa remittance partner naman, depende naman po ito sa reference number o tracking number na ibibigay nila.

Cash Padala

Maaari po bang mag-receive ng padala mula sa Xoom/Paypal sa VILLARICA branch?

Pwede po! Valid po ang Xoom transactions sa amin dahil isa po itong PayPal service.

Cash Padala

Maaari po bang mag-claim ng padala mula sa Western Union?

Pwede po, domestic man ang padala o international.

Cash Padala

Saang remittance center pwedeng tumanggap ng VILLARICA Cash Padala?

Sa Villarica branches lang po pwedeng i-claim ang perang ipinadala sa VILLARICA Cash Padala service. Para malaman ang branch na pinakamalapit sa iyo, puntahan ang Branch Finder dito sa aming website.

Cash Padala

Saan po pwedeng mag-claim ng VILLARICA Cash Padala bukod sa VILLARICA branches?

Sa kasalukuyan, ang VILLARICA Cash Padala ay maaari lamang i-receive sa VILLARICA branches.

Cash Padala

Maaari pa bang i-receive ang pera kahit higit isang linggo na mula nang maipadala ito?

Pwede po! Kung hindi po makukuha sa loob ng 30 days, may ipapataw lang na monthly handling fee na 1% ng principal amount.

Cash Padala

Paano ang gagawin kung wala akong text na natanggap mula sa VILLARICA?

Wag pong mag-alala, dahil added service lang po ng VILLARICA Cash Padala ang pagsend ng text message. Mahalaga lamang po para sa receiver ay ang transaction code at ibang details ng padala, na siyang makukuha nila mula sa sender.

Cash Padala

Pwede po ba bawiin ang padala ko kung hindi pa ito nare-receive?

Maaari pa pong i-cancel ang VILLARICA Cash Padala kung hindi pa received ang pera. Puntahan lang po ang branch kung saan kayo nagpadala, sabihin ang transaction code, at mag-abot ng valid ID. Principal amount lang po ang maibabalik upon cancellation.

Cash Padala

Tinatanggap ba bilang valid ID ang school ID sa pag-receive ng Cash Padala?

Pwede po. Basta’t may kasamang school registration form. At dapat po nasa 18 taong gulang na ang receiver.

Bills payment

Tumatanggap po ba kayo ng bayad sa SSS?

Maaari niyo pong bayaran ang SSS contributions niyo sa kahit anong VILLARICA branch.

Bills payment

Pwede po bang magbayad ng SSS contribution kahit wala pong Payment Reference Number?

Hindi po, kailangan po namin malaman ang PRN para mabayaran ang SSS contribution.

Bills payment

Tumatanggap po ba ng bayad sa PSA at NBI clearance?

Basta po may dala po kayong reference number, pwede pong iproseso ang bayad ninyo dito'

Bills payment

Pwede po bang magbayad ng bills lampas sa due date?

Depende po ito sa biller. Kadalasan po, tumatanggap ang billers namin ng bayad before, during, o after the due date.

Bills payment

Anong schools po ang tumatanggap ng bayad through VILLARICA?

Tumatanggap kami para sa APEC Schools, Asian College, ICCT Colleges, STI College, Lyceum of the Philippines University, at Adamson University. Maaari niyong silipin ang full list of billers namin para makasiguro.

Money changer

Magkano ang palitan sa money changer?

Nagbabago ito batay sa international rate sa araw na magpapapalit ka. Hayaan mo, araw-araw din kaming nag-a-update online sa halaga ng palitan!

Money changer

May limit ba sa halaga na pwedeng ipapalit sa money changer?

Meron po. Hindi po tayo maaaring sumobra sa ating limit na ₱500,000 (PHP), kaya hanggang higit-kumulang $8,500 (USD) lamang ang pwedeng ipapalit.

Money changer

Tumatanggap ba kayo ng coins?

Hindi po kami tumatanggap ng coins para sa peso exchange.

Money changer

Pwede po ba kahit may onting punit ang dollar?

Kapag meron na pong missing part ang bill ninyo, hindi na po namin maaaring tanggapin ito.

Money changer

Nagpapalit po ba kayo ng USD 1990/2000 series?

Basta po walang damage ang bills, pwedeng-pwede po!

Money changer

Maaari bang bumili ng foreign bills sa VILLARICA?

Sa kasalukuyan po, hindi po nagpapapalit ang VILLARICA ng foreign currency in exchange for Philippine peso.

Jewelry sale

Anong subasta items po ang available?

Para makita ang available subasta items, daan po kayo sa kahit anong VILLARICA branch (bukod sa Balagtas 2, Marikina 2, at Malabon 3). Bawat branch ay may iba't-ibang selection ng alahas na pagpipilian.

Jewelry sale

Maaari ko po bang ibalik o ipa-refund ang nabiling alahas sa VILLARICA?

Kung nais niyo pong ibalik ang alahas, mainam pong pumunta muna sa branch ng pinagbilhan para po makita ng appraiser kung may isyu.

Jewelry sale

May layaway po ba kayo sa alahas?

Sa kasalukuyan, wala pong layaway sa alahas ang VILLARICA.

Jewelry sale

Meron bang warranty ang nabibiling alahas sa inyo?

Sa kasalukuyan, hindi po kami nag-o-offer ng warranty sa mga alahas na binibenta namin.

Jewelry sale

Pwede po ba ang trade-in para sa VILLARICA jewelry?

Wala pa pong trade-in ang VILLARICA sa alahas.

Cash withdrawal

Lahat po ba ng branches may POS terminal?

Sa kasalukuyan, piling branches pa lang po ang may POS terminal. Maaari po kayong magsend ng message sa aming Facebook page para itanong kung may Cash Withdrawal sa branch na balak niyo puntahan.

Cash withdrawal

Mas mainam po bang BDO card ang gamit sa pag-withdraw?

Dahil partner namin ang BDO sa serbisyo na ito, yes po! Mas mababa ang fee na ipapataw para sa transaksyon kung BDO ang ATM card na gamit..

Cash withdrawal

Anong ATM card ang pwedeng gamitin para makapag withdraw sa POS terminal?

Maaaring gamitin ang kahit anong BancNet o MegaLink card.

Cash withdrawal

Hanggang magkano ang maaaring i-withdraw?

Pwede po kayong mag-withdraw hanggang ₱5,000.

Cash withdrawal

May service fee po ba sa pag-withdraw ng pera?

May ipapataw pong fee na ₱28, na siyang automatic nang mababawas sa inyong account.


Hanapin ang pinakamalapit na branch